plumeknight.com

Literary



Human words

are beyond
life's thoughts
and emotions,
it's life's very soul.

Picture

Featured Essay

An Ominous Parallel: This Indolence of Ours

Picture
A portrait of Philippine indolence
by Vivien Grace Santillan


            When was the time you spent your effort more than what was required of you? How many times did you act in a certain way as the way to arrive at the clearing up of a specific situation? If you were doing this more often, you can consider yourself to be outside in the world of indolence. But if you’re doing otherwise, you’re deemed to belong. As the level of Filipino People’s Indolence increases, there would probably be a relative or even worst a rapid growth of nation’s poverty and be trapped on that situation as long as you chose to be.

           In the normal course of affairs, men do not and need not think; they merely act, by habit, by routine, by unthinking impulse. But in certain situations, the malleable material of reality suddenly asserts itself, and habit proves inadequate: men are unable to achieve their goals, their action is blocked by obstacles, and they begin to experience frustrations, trouble, and “dis-ease”. In these situations, men should resort to the instrument of thought to reconstruct the situation, so as to remove troubles, overcome obstacles and resume the normal process of unimpeded and unthinking action. This was supposed to be human nature, as we never let ourselves be trapped on a situation when we knew certainly that was not the life we’ve been aiming to obtain. Life is a bit like ‘aikido’. Don’t focus on the arm blocking your path. Concentrate on a point beyond and your ki will get you there.

           Indolence in the Philippines is a chronic malady, but not a hereditary one. It doesn’t run in our bloodstream, it’s a culture that should be change. Hence, we could do something to combat it. But we need to understand that culture can’t be changed overnight, one must begin, one must make non-indolent a lifestyle, one must make it a personal culture and one must share this culture to all people he or she knows.

           Some of the Filipinos who are driven by indolence entrust their cost of living to the government and to the well-off people without even spending some more efforts in which they were ought to be. More often, they would blame poverty to the well-off and most especially to the government officials for not doing their job well and accusing them on not giving what they think was just and equitable for them as people of this society. But in reality, nobody else should be more liable for your living but you.

           The political difficulty takes the form of a dilemma. Either we confine our situation to what is politically feasible and end up in a sterile perpetuation of the status quo, or we make actions free of political constraints and cut the strings that attach us from dependence on government and politics. And save ourselves from ominous call of indolence. They say that whatever our authorities are doing would result to the condition of the state. But I believe that it takes two to tango, the society need to have contributory role. People and government are correlated and complementary.

           Assuming that a man is honest and industrious, his pursuit of his self-interest is regarded as a most respectable and even, in some degree, as an amiable and agreeable quality. The conjuncture of circumstances sometimes changes quite unexpectedly and precipitously, and unless we are prepared with the maximum prudence on our actions, those actions would go by default. Existences following upon actions rearrange or readjust themselves in the way the idea intends.

          On the hindsight, it is difficult to divorce ourselves from what most of our fellows were used to be and as we harbored a seamless belief in the invincibility of our cause. Indeed, it’s the act of indolence that throws us off. It conjures images of abnormal helplessness. We need to cope with this kind of natural phenomena by discounting the negative factor, be goal-oriented and be proactive on a certain circumstances that require satisfactory actions. If all that we’ve wanted is to reduce the nonconstructive effects of poverty on our country, all we need is an immediate response on the situation by simply putting extra effort and initiative on our actions as we act for ourselves and for our country. We must bear in mind that too much dependence on others more specifically on the government subsidies can make us BITTER PARASITES!

*Vivien Grace Santillan is a graduate of Bachelor of Science in Accountancy from Cor Jesu College
Digos City, Davao del Sur, Philippines. This piece was the first place in the essay category in Gawad Genawah 2010,
a prestigious literary competition in Cor Jesu College.


Aling Langit ang Langit*

       
        Habang inilalagak ang kabaong sa hukay, di pa rin maiwaglit sa aking balintataw ang nagyari. Hawak ang isang kapirasong papel, hinayaan kong maglakbay ang isipan.

Bang! . . . Umalingawngaw ang putok ng baril. Nagulantang ako; nagbalik sa kamalayan. Naramdaman ko ang pagtagas ng dugo sa aking dibdib. Natagpuan ko ang sarili sa tagong silid na tambayan naming magbabarkada. Ibig kong mahandusay ngunit pinli kong magtapang-tapangan at pinanatili ang tuwid na tindig. Humakbang ako nang pasulong. . . Isa pang tama ng baril ang tumama sa aking dibdib. Doon ko na narinig ang hiyaw ni Inay. Hanggang sa ito’y maging hagulhol at nakakahabag na hikbi.

Nagdilim ang aking paningin. Umikot ang aking pakiramdam. Unti-unting bumilis ang tibok ng aking puso maging ang pihit ng aking hininga. Para akong tumakbo. Hinabol ko ang bawat hanging lalanghapin. Ilang saglit pa’y dahan-dahang naubos ang aking lakas. Bumigay rin ako sa huli. Kasabay ng pagbigat ng talukap ng aking mga mata ang aking pagbagsak mula sa aking kinatatayuan. Naramdaman ko ang pagtama ng aking katawan sa sahig na semento.

Nakapikit ang aking mga mata. Tumatagos sa aking pandinig ang malakas na tawanan ng aking mga barkada. Tawanang hihigit pa sa nakakabinging halakhakan. . . Katahimikan. Sa init ng ulo nauwi ang walang saysay na katuwaan. Sapakan. Basagan ng bungo. Tawanan na naman. Walang humpay na hagikhikan. Napa-iyak ang iba. Ang iba nama’y naglulupasay sa di malamang dahilan. Tunay ngang walang kabuluhan.

Di ako tulad nila. . . sa iisang kadahilanan. Mayroon akong hinahanap. May ibig akong matagpuan. Nais kong marating ang langit. Langit na di ko mahagilap sa aking sarili. Langit na di ko makita’t maramdaman sa aking pamilya. Langit na ipinagkait sa akin ng tadhana.

Habang animo’y sinapian ng kung anong kampon ng kadiliman ang aking mga barkada, heto ako’t tumakbong palayo. Hningal ma’y di ako sumuko. Napatigil ako nang makita nag sarili sa gitna ng isang malawak na lansangan. Nakakalula sa taas ang maga gusali. Marami roong ilaw at sasakyan. Mula sa kawalan, isang impit natawa ang bumati sa akin.

Isang tinig ang aking narinig. “Sa iyo ang lahat ng iyong nakikita ngayon,” ang sambit ng tinig. Napanganga ako. Hindi makapaniwala. “Pagmamay-ari mo ang lahat ng kayang abutin ng iyong paningin,” muli niyang sabi. Bagama’t di ko maramdaman, alam ko masaya ako. Napahalakhak ako; halakhak ng tagumpay.

“Mayaman na ako! Mayaman na ako!” ang aking naisambulat sa kawalan. Tumakbo ako’t nagsisigaw sa tuwa. Tila batang inabutan ng bagong laruan. Dinala ako ng aking mga paa sa isang madilim na panulukang puno ng mga di magkamayaw na kabataang tulad ko. Sa saliw ng musikang di maunawaan kung ingay ba o bulyaw, nabubuhay ang walang kapaguran nilang katawan. Nagkalat ang mga bote ng alak. Malalanghap mo sa paligid ang nakakalasong usok ng sigarilyo na kanilang ibinubuga. Masarap sa pakiramdam ang tanawing iyon. Masaya ako. Alam ko iyon bagama’t di ko nararamdaman. Kaya naman hinayaan kong maging isa sa kanila. Sabay-sabay naming inabot ang rurok ng langit. . . Napatigil bigla ang lahat. . .

“Nasaan ako?” tanong ko sa sarili. Iginala ko nag aking paningin. Isang silid ang aking kinaroroonan. Nakahiga ako sa ibabaw ng isang malambot na kama . Ngmasid ako; nagmatyag.Ilang saglit pa’y pumasok ang isang nakaka-akit na babae. Bumangon ako. Itinuon ko ang mga mata sa kanya. Agad akong nabighani sa kanyang mapanuksong mga titig. Hindi ko napigilang maramdaman ang maaaring madama ng sinumang lalaki sa pagkakataong iyon. Nilapitan ko siya; pinakiramdaman. Tinitigan at dinamadama mula ulo haggang paa. Isang baga ang namuo. Hanggang sa ito’y maging apoy na nagliliyab. Tinangay kami n gaming nagliligablag na emosyon sa kakaibang uri ng langit. Alam kong masaya ako ngunit di ko parin ito maramdaman.

Naguluhan na ako kung bakit. Ninais kong mapaluha subalit tigang na ang aking damdamin. Di ko maunawaan ang aking pakiramdam- galit, lungkot, pait, kabiguan. Pinili kong tumakas. Tinungo ko ang di matukoy na paroroonan. Hanggang sa marating ko ang isang malawak na disyerto. Napahagulhol ako. Mayroon pa pala akong natitirang luha. Sa may di kalayuan isang lalaki ang nakatanaw sa akin.

“Ito rin ba ay langit?” ang bulyaw ko sa kanya. “Langit na mapanlinlang.” pabulong kong sambit. Tinitigan lamang niya ako. Mistula itong estatwang walang pakiramdam. Biglang naghimagsik ang aking kalooban. Hindi ko mapigilang magapi ng ng nakikidigma kong damdamin. Nagwala ako. Winasak ko ang dati ng wasak kong daigdig.



Hanggang sa nakadama ako ng pagod. Natigilan ako. Hhindi pari naibsan ang bigat na aking naramdaman. Lumubha pa itong lalo. Ikinabigla ko tuloy nang mapunang ako ang lalaking nasa aking harapan. Namamalik-mata nga lang ba ako? Lumapit ako sa kanya. Natigalgal ako nang tutukan niya ako ng baril.

“Sumuko ka na kung ayaw mong masaktan,” matapng niyang utos. “Itaas mo ang iyong mga kamay at walang mangyayari sa iyong masama,” muli nitong sabi.

Hindi ko siya pinakinggan. Humakbang akong palapit sa kanya. Wala akong naririnig kundi ang aking mga yabag at ang bawat hugot ng kanyang hininga. Hanggang sa. . .

Bang! . . . Umalingawngaw ang putok ng baril. . .

Mula sa pagkakapikit, idinilat ko ang aking mga mata. Nagbalik ako sa aking ulirat. Nakhiga sa sahig. May tama ng baril. Duguan. Nag-aagaw-buhay. Mraming tao sa paligid. Naroon ang Inay na abot-langit ang dinadalang pasakit. Isa-isa nang hinuhuli an gang aking mga barkadang bangag sa druga. Heto ako, isang talunan, bigo.

Ngayon ko naunawaang ako ang sumira sa aking sarili. Masakit mang isipin ngunit isa lamang ako sa mga biktima ng kabaluktutan ng lipunan na di na halos mapuna dahil ang lahat ay nakatuon na lang parati sa mga problemang bunsod ng katiwalian sa pamahalaan. Nagkamali ako. Hindi ako naging masaya. Hindi ko ito nadama. Kailanma’y di ko naabot ang langit sa pamamagitan ng pagsinghot sa hininga ng diyablo. Ilang tulad ko pa kaya ang mapapariwara at hahayaan ng lipunang maging alipin ng bawal nagamot. Anong langit nga kaya ang nakalaan sa akin?

Matapos kong mabasa ang pinunit na pahinang iyon mula sa talaarawan ng aking matalik na kababata, isa lamang ang sumagi sa aking isipan, nagsisisi ako’t wala man lang akong nagawa upang siya’y maialis sa kinasad lakang kapalauan. Ano nga kayang langit ang sa kanya’y nakalaan?
        
Picture
Ano nga kayang langit ang sa akin ay nakalaan?

 Maikling Kuwento

Picture
Narito ako. Nakaharap salamin.

Magdalena si Adan


        Isang dangkal na lang at maabot na ng mga kamayng orasan ang pag-aalas-singko ng hapon. Mataas pa ang araw.Narito ako. Nakaharap sa salamin. Nakatitig sa sarili. Makisig. Malakas. Matipuno.

         Anumang pilit kong pagwawaksi sa isipan, animo’y gamu-gamo pa ring sumusundut-sundot sa liwanag ng aking balintataw ang nakalipas. Isang kahapong ibaon ko man sa limot ay paulit-ulit na nananahanan sa aking alaala.

         Anak ako ng karalitaan. Isang kahig, isang tuka. Ulila. Namatay ang aking mga magulang nang ako’y walong taong gulang pa lamang. Lumaki ako sa piling ng aking lola at nakababatang kapatid. Naging mahirap ang aming buhay. Nangangalam na sikmura. Mga pangangailangang di natutugunan. Tila pinagkaluno kami ng kapalaran. Wala akong magawa kundi ang sabayan ang agos ng panahon at harapin ang mga hamon ng buhay.

        Ako ang tumatayong padre de familia. Dahil dito, marami akong responsibilidad. Matanda na ang lola. Di na nito kaya ang mag-hanapbuhay. Kinakailangang gugulin na lamang niya ang kanyang natitirang sandali sa daigdig nang matiwasay at walang suliranin. Marami akong pangarap para sa kanya at sa aking kapatid. Gusto kong mabigyan sila ng magandang buhay. Kaya naman, gusto kong makatapos kami ng aking kapatid sa pag-aaral. Ayaw kong habambuhay na lang kami sa ganitong kalagayan. Hindi ko hahayaan. Hindi maari. Hindi dapat.

         Nagpatuloy ko sa paglalakbay sa aking kahapon. Hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili na suot ay kapirasong saplot. Sa gitna ng nakabibinging hiyawan, umiindayog sa musika ng kalaswaan. Oo. Pinasok ko ang gawaing sariling laman ang puhunan, ang pagbebenta ng panandaliang aliw. Pinagkakitaan ko ang aking pagka-lalaki. Sa kagustuhang makatapos ng pag-aaral, ginawa ko ang lahat. Naging mapangahas. Padalus-dalos. Sinuong ang lahat ng butas; maging ang butas na naglalagos sa kadiliman. Ito lamang ang nakikita kong paraan upang hindi manatili sa panaginip ang aming mga pangarap.

         Kung sinu-sino ang nagpakasasa sa mura kong katawan kapalit ang halagang barya lang kung tutuusin. Binaboy nila ako. Ginamit. Pinaglaruan. . . Buntong-hininga. Ano ang pinagkaiba ko sa isang kalapating mababa ang lipad? Sa isang pukpok? Sa isang haliparot? Nakakatawa. Ano ang tawag sa akin?

         Gayunman, ginusto ko ito. Desisyon ko ang lahat. Walang dapat na sisihin kundi ang aking sarili. Ang sarili ko nga lang ba ang dapat na sisihin?

         Biglang dumaloy ang natitirang patak ng luha mula sa natitigangkong damdamin. Nakaramdam ako ng kirot sa ang aking dibdib. Animo’y naririnig ko ang pag-uyam ng madla. Ano ang karapatan nilang ako ay husgahan? Wala. Wala silang alam sa aming naging buhay. Narinig ba nila ako nang ako ay nagsusumamo ng tulong? Nagmamakaawa? Hindi. Dahil sila ay makasarili, sakim gahaman.

         Nakapagtapos ako ng pag-aaral. Nabigyan ko ng magandang buhay ang aking kapatid. Maayos naming naihatid ang lola sa kanyang huling hantungan. Ang lahat ng ito ay bunga ng marumi kong hanapbuhay, ng marawal kong nakaraan. Sa kabila nito, hindi ko mapasisinungalingan ang katotohanang hindi tuwid ang baluktot, hindi pantay ang tabingi, hindi itim ang puti, lalong di tama ang mali .

         Nagbalik ako sa aking ulirat. Nalagpasan na ng mga kamay ng orasan ang pag-aalas- singko ng hapon. Palubog na ang araw. Narito pa rin ako. Nakaharap sa salamin. Di magawang titigan ang sarili. Lugmok. Naghihingalo. Wasak .
Picture
Ano nga kayang tawag sa akin?
01-04-28;10-05-50;12-08-88;11-14-92Leadership/Through/Student/Empowerment // Faith:/Spirituality/of/Love //Not yet over, Never by Vivien Grace A. Santillan* //All About Friendship //Plumeknight's List of 2010 Hollywood's Most Beautiful Men and Women //Journey to the Waterfall Paradise //An Ominous Parallel: This Indolence of Ours by Vivien Grace Santillan //Aling Langit ang Langit* //Magdalena si Adan //Thoughts for Thoughts-Virtues and Wisdom. Faith and Spirituality. Love and Relationship. //Travel Through Your Eyes! Sceneries from Island Garden City of Samal // Travelogue 2011 //"Realities of Life" a Photo Exhibit //Plumeknight's Personal. . . //Who is Plumeknight? //Lopezjaenian guy of the year